Mazmur - Pasal 130 Pasal. 130 - Mazmur

bandingkan terjemahan

[1]  Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.

[2]  Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.

[3]  Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?

[4]  Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.

[5]  Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.

[6]  Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.

[7]  Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.

[8]  At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.