[1] Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
[2] Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.
[3] Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
[4] Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
[5] Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
[6] Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
[7] Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
[8] At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.