[1] Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
[1] ---
[2] Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
[2] ---
[3] Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
[3] ---
[4] Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
[4] ---
[5] Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
[5] ---
[6] Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
[6] ---
[7] Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
[7] ---
[8] Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:
[8] ---
[9] Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.
[9] ---
[10] Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.
[10] ---
[11] Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;
[11] ---
[12] Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;
[12] ---
[13] Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
[13] ---
[14] Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
[14] ---
[15] Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
[15] ---
[16] Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
[16] ---
[17] Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon:
[17] ---
[18] At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.
[18] ---
[19] Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.
[19] ---
[20] Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
[20] ---
[21] Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
[21] ---
[22] Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?
[22] ---
[23] Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
[23] ---
[24] Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
[24] ---
[25] Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:
[25] ---
[26] Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
[26] ---
[27] Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
[27] ---
[28] Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
[28] ---
[29] Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.
[29] ---
[30] Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
[30] ---
[31] Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
[31] ---
[32] Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
[32] ---
[33] Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.