[1]  Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:

[1]  ---

[2]  Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;

[2]  ---

[3]  Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;

[3]  ---

[4]  Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:

[4]  ---

[5]  Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:

[5]  ---

[6]  Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.

[6]  ---

[7]  Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.

[7]  ---

[8]  Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:

[8]  ---

[9]  Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg.

[9]  ---

[10]  Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan.

[10]  ---

[11]  Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala;

[11]  ---

[12]  Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw;

[12]  ---

[13]  Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;

[13]  ---

[14]  Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:

[14]  ---

[15]  Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:

[15]  ---

[16]  Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.

[16]  ---

[17]  Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon:

[17]  ---

[18]  At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay.

[18]  ---

[19]  Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.

[19]  ---

[20]  Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;

[20]  ---

[21]  Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:

[21]  ---

[22]  Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman?

[22]  ---

[23]  Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.

[23]  ---

[24]  Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;

[24]  ---

[25]  Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:

[25]  ---

[26]  Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;

[26]  ---

[27]  Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.

[27]  ---

[28]  Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:

[28]  ---

[29]  Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.

[29]  ---

[30]  Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:

[30]  ---

[31]  Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.

[31]  ---

[32]  Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.

[32]  ---

[33]  Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan.

[33]  ---