[1]  Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.

[1]  ---

[2]  Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.

[2]  ---

[3]  Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;

[3]  ---

[4]  Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?

[4]  ---

[5]  Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.

[5]  ---

[6]  Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:

[6]  ---

[7]  Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang;

[7]  ---

[8]  Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.

[8]  ---

[9]  Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

[9]  ---