[1] Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
[1] ---
[2] Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
[2] ---
[3] Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
[3] ---
[4] Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
[4] ---
[5] Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
[5] ---
[6] Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
[6] ---
[7] Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang;
[7] ---
[8] Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
[8] ---
[9] Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!