Psalmen - Kapitel 48 Kap. 48 - Psalmen

Übersetzungen vergleichen

[1]  Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.

[2]  Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.

[3]  Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.

[4]  Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.

[5]  Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.

[6]  Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

[7]  Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.

[8]  Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)

[9]  Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.

[10]  Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.

[11]  Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.

[12]  Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.

[13]  Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.

[14]  Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.