Psalmen - Kapitel 126 Kap. 126 - Psalmen

Übersetzungen vergleichen

[1]  Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.

[2]  Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.

[3]  Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.

[4]  Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.

[5]  Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.

[6]  Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.