[1] Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
[1] ---
[2] Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
[2] ---
[3] Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.
[3] ---
[4] Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
[4] ---
[5] Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
[5] ---
[6] Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.