Mazmur - Pasal 70 Pasal. 70 - Mazmur

bandingkan terjemahan

[1]  Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.

[2]  Mangapahiya at mangalito sila, na nagsisiusig ng aking kaluluwa: mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri. Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.

[3]  Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha.

[4]  Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios.

[5]  Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat.