Mazmur - Pasal 120 Pasal. 120 - Mazmur

bandingkan terjemahan

[1]  Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.

[2]  Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.

[3]  Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?

[4]  Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.

[5]  Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!

[6]  Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.

[7]  Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.