Mazmur - Pasal 114 Pasal. 114 - Mazmur

bandingkan terjemahan

[1]  Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika;

[2]  Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop.

[3]  Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong.

[4]  Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.

[5]  Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?

[6]  Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa; sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?

[7]  Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob;

[8]  Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.