Ayub - Pasal 25 Pasal. 25 - Ayub

bandingkan terjemahan

[1]  Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,

[2]  Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako.

[3]  May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag?

[4]  Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.

[5]  Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:

[6]  Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!