[1]  Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.

[1]  ---

[2]  Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi.

[2]  ---

[3]  Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

[3]  ---

[4]  Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:

[4]  ---

[5]  Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

[5]  ---

[6]  Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.

[6]  ---

[7]  Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

[7]  ---

[8]  Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

[8]  ---

[9]  Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,

[9]  ---

[10]  Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.

[10]  ---

[11]  Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

[11]  ---

[12]  Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

[12]  ---

[13]  At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

[13]  ---

[14]  At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

[14]  ---

[15]  Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.

[15]  ---

[16]  Mangagalak kayong lagi;

[16]  ---

[17]  Magsipanalangin kayong walang patid;

[17]  ---

[18]  Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

[18]  ---

[19]  Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu;

[19]  ---

[20]  Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula;

[20]  ---

[21]  Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

[21]  ---

[22]  Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.

[22]  ---

[23]  At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

[23]  ---

[24]  Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

[24]  ---

[25]  Mga kapatid, idalangin ninyo kami.

[25]  ---

[26]  Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik.

[26]  ---

[27]  Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito.

[27]  ---

[28]  Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

[28]  ---