[1]  Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.

[1]  ---

[2]  Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat.

[2]  ---

[3]  Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.

[3]  ---

[4]  Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.

[4]  ---

[5]  Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon.

[5]  ---

[6]  Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

[6]  ---

[7]  Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.

[7]  ---

[8]  Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.

[8]  ---

[9]  Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.

[9]  ---

[10]  Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.

[10]  ---

[11]  Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari.

[11]  ---

[12]  Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil.

[12]  ---

[13]  Sinasabi ng tamad, may leon sa labas: mapapatay ako sa mga lansangan.

[13]  ---

[14]  Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon.

[14]  ---

[15]  Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.

[15]  ---

[16]  Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang.

[16]  ---

[17]  Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman.

[17]  ---

[18]  Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.

[18]  ---

[19]  Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo.

[19]  ---

[20]  Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman;

[20]  ---

[21]  Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?

[21]  ---

[22]  Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan:

[22]  ---

[23]  Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.

[23]  ---

[24]  Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:

[24]  ---

[25]  Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.

[25]  ---

[26]  Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang:

[26]  ---

[27]  Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan?

[27]  ---

[28]  Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang.

[28]  ---

[29]  Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.

[29]  ---