[1]  Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.

[1]  ---

[2]  Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.

[2]  ---

[3]  Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa.

[3]  ---

[4]  Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta.

[4]  ---

[5]  Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.

[5]  ---

[6]  Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.

[6]  ---