[1]  Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,

[1]  ---

[2]  Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:

[2]  ---

[3]  Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:

[3]  ---

[4]  Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:

[4]  ---

[5]  Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.

[5]  ---

[6]  Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.

[6]  ---

[7]  Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.

[7]  ---

[8]  Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.

[8]  ---