[1] Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
[2] Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
[3] Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
[4] Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
[5] Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
[6] Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
[7] Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
[8] Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.