[1]  Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.

[1]  ---

[2]  Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)

[2]  ---

[3]  Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.

[3]  ---

[4]  Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.

[4]  ---

[5]  Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?

[5]  ---

[6]  Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?

[6]  ---

[7]  Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.

[7]  ---

[8]  Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.

[8]  ---

[9]  Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.

[9]  ---

[10]  Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.

[10]  ---

[11]  Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.

[11]  ---

[12]  Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.

[12]  ---

[13]  Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

[13]  ---