[1]  Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.

[1]  ---

[2]  Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.

[2]  ---

[3]  Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli.

[3]  ---

[4]  Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.

[4]  ---

[5]  Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan:

[5]  ---

[6]  Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno;

[6]  ---

[7]  Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:

[7]  ---

[8]  Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot.

[8]  ---

[9]  Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison:

[9]  ---

[10]  Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa.

[10]  ---

[11]  Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna;

[11]  ---

[12]  Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios.

[12]  ---

[13]  Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin.

[13]  ---

[14]  Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok;

[14]  ---

[15]  Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos.

[15]  ---

[16]  Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.

[16]  ---

[17]  Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol:

[17]  ---

[18]  Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.

[18]  ---