[1]  Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,

[1]  ---

[2]  Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!

[2]  ---

[3]  Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!

[3]  ---

[4]  Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?

[4]  ---

[5]  Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.

[5]  ---

[6]  Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip.

[6]  ---

[7]  Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.

[7]  ---

[8]  Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.

[8]  ---

[9]  Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.

[9]  ---

[10]  Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.

[10]  ---

[11]  Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway.

[11]  ---

[12]  Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.

[12]  ---

[13]  Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.

[13]  ---

[14]  Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?

[14]  ---