[2] Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
[2] ---
[3] Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
[3] ---
[4] Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
[4] ---
[5] Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
[5] ---
[6] Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
[6] ---
[7] Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
[7] ---
[8] Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
[8] ---
[9] Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
[9] ---
[10] Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
[10] ---
[11] Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
[11] ---
[12] Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
[12] ---
[13] Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
[13] ---
[14] Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
[14] ---
[15] Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom.
[15] ---
[16] Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
[16] ---
[17] Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
[17] ---
[18] Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap.
[18] ---
[19] Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
[19] ---
[20] Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
[20] ---
[21] Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
[21] ---
[22] Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
[22] ---
[23] Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
[23] ---
[24] Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
[24] ---
[25] Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
[25] ---
[26] Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
[26] ---
[27] Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
[27] ---
[28] Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
[28] ---
[29] Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
[29] ---
[30] Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
[30] ---
[31] Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
[31] ---
[32] Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
[32] ---
[33] Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
[33] ---
[34] Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
[34] ---
[35] Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.