[1]  Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan.

[1]  ---

[2]  At si Job ay sumagot, at nagsabi,

[2]  ---

[3]  Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.

[3]  ---

[4]  Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag.

[4]  ---

[5]  Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw.

[5]  ---

[6]  Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan.

[6]  ---

[7]  Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig.

[7]  ---

[8]  Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya.

[8]  ---

[9]  Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga:

[9]  ---

[10]  Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata.

[10]  ---

[11]  Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?

[11]  ---

[12]  Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?

[12]  ---

[13]  Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:

[13]  ---

[14]  Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;

[14]  ---

[15]  O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:

[15]  ---

[16]  O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.

[16]  ---

[17]  Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod.

[17]  ---

[18]  Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.

[18]  ---

[19]  Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.

[19]  ---

[20]  Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan;

[20]  ---

[21]  Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;

[21]  ---

[22]  Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?

[22]  ---

[23]  Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios?

[23]  ---

[24]  Sapagka't nagbubuntong hininga ako bago ako kumain, at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig.

[24]  ---

[25]  Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin.

[25]  ---

[26]  Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga; kundi kabagabagan ang dumarating.

[26]  ---