Psalmen - Kapitel 39 Kap. 39 - Psalmen
[1] Aking sinabi, ako'y magiingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala ng aking dila: aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, samantalang ang masama ay nasa harap ko.
[2] Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; at ang aking kalungkutan ay lumubha.
[3] Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
[4] Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
[5] Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)
[6] Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
[7] At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo.
[8] Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang: huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
[9] Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagka't ikaw ang gumawa.
[10] Iurong mo sa akin ang iyong suntok: ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
[11] Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
[12] Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.
[13] Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas, Bago ako manaw, at mawala.