Klagelieder Jeremias - Kapitel 5 Kap. 5 - Klagelieder Jeremias

Übersetzungen vergleichen

[1]  Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.

[2]  Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.

[3]  Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.

[4]  Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.

[5]  Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.

[6]  Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.

[7]  Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.

[8]  Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.

[9]  Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.

[10]  Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.

[11]  Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.

[12]  Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.

[13]  Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.

[14]  Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.

[15]  Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.

[16]  Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.

[17]  Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;

[18]  Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.

[19]  Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.

[20]  Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?

[21]  Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.

[22]  Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.