[1] Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
[1] ---
[2] Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
[2] ---
[3] At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:
[3] ---
[4] At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.
[4] ---
[5] Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;
[5] ---
[6] Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon.
[6] ---
[7] Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.
[7] ---
[8] Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes;
[8] ---
[9] Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.
[9] ---
[10] Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:
[10] ---
[11] Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.
[11] ---
[12] Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.
[14] Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
[14] ---
[15] Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal),
[15] ---
[16] Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
[16] ---
[17] At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
[17] ---
[18] Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.
[18] ---
[19] Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
[19] ---
[20] Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.
[20] ---
[21] Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.
[21] ---
[22] Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha.
[22] ---
[23] Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
[23] ---
[24] Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.