[1]  Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.

[1]  ---

[2]  Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.

[2]  ---

[3]  Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo.

[3]  ---

[4]  Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.

[4]  ---

[5]  Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan, aking bahagi sa lupain ng may buhay.

[5]  ---

[6]  Pakinggan mo ang aking daing; sapagka't ako'y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka't sila'y malakas kay sa akin.

[6]  ---

[7]  Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan: kubkubin ako ng matuwid; sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

[7]  ---