[1] Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
[1] ---
[2] Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
[2] ---
[3] Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
[3] ---
[4] Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
[4] ---
[5] Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
[5] ---
[6] Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
[6] ---
[7] Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
[7] ---
[8] Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
[8] ---
[9] Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
[9] ---
[10] Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
[10] ---
[11] Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
[11] ---
[12] Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
[12] ---
[13] Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
[13] ---
[14] Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
[14] ---
[15] Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
[15] ---
[16] Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
[16] ---
[17] Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
[17] ---
[18] Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
[18] ---
[19] Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
[19] ---
[20] Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
[20] ---
[21] Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
[21] ---
[22] Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
[22] ---
[23] Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
[23] ---
[24] Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
[24] ---
[25] Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
[25] ---
[26] Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
[26] ---
[27] Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
[27] ---
[28] Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
[28] ---
[29] Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
[29] ---
[30] Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
[30] ---
[31] Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
[31] ---
[32] Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
[32] ---
[33] Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.
[33] ---
[34] Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.
[34] ---
[35] Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.
[35] ---
[36] Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
[36] ---
[37] Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
[37] ---
[38] Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
[38] ---
[39] Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
[39] ---
[40] Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
[40] ---
[41] Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
[41] ---
[42] Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
[42] ---
[43] At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
[43] ---
[44] Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
[44] ---
[45] At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
[45] ---
[46] Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
[46] ---
[47] At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
[47] ---
[48] Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
[48] ---
[49] Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.
[49] ---
[50] Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
[50] ---
[51] Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
[51] ---
[52] Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
[52] ---
[53] Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
[53] ---
[54] Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
[54] ---
[55] Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
[55] ---
[56] Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
[56] ---
[57] Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
[57] ---
[58] Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
[58] ---
[59] Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
[59] ---
[60] Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
[60] ---
[61] Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
[61] ---
[62] Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
[62] ---
[63] Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
[63] ---
[64] Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
[64] ---
[65] Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
[65] ---
[66] Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
[66] ---
[67] Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
[67] ---
[68] Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
[68] ---
[69] Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
[69] ---
[70] Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
[70] ---
[71] Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
[71] ---
[72] Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
[72] ---
[73] Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
[73] ---
[74] Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;
[74] ---
[75] Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
[75] ---
[76] Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
[76] ---
[77] Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
[77] ---
[78] Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
[78] ---
[79] Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
[79] ---
[80] Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.
[80] ---
[81] Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita.
[81] ---
[82] Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
[82] ---
[83] Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
[83] ---
[84] Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
[84] ---
[85] Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
[85] ---
[86] Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.
[86] ---
[87] Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
[87] ---
[88] Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
[88] ---
[89] Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
[89] ---
[90] Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
[90] ---
[91] Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
[91] ---
[92] Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
[92] ---
[93] Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
[93] ---
[94] Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
[94] ---
[95] Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
[95] ---
[96] Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
[96] ---
[97] Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
[97] ---
[98] Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.
[98] ---
[99] Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
[99] ---
[100] Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
[100] ---
[101] Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
[101] ---
[102] Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.
[102] ---
[103] Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
[103] ---
[104] Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
[104] ---
[105] Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
[105] ---
[106] Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
[106] ---
[107] Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
[107] ---
[108] Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
[108] ---
[109] Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
[109] ---
[110] Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
[110] ---
[111] Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
[111] ---
[112] Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
[112] ---
[113] Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
[113] ---
[114] Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.
[114] ---
[115] Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
[115] ---
[116] Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
[116] ---
[117] Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
[117] ---
[118] Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
[118] ---
[119] Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
[119] ---
[120] Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
[120] ---
[121] Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
[121] ---
[122] Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
[122] ---
[123] Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
[123] ---
[124] Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
[124] ---
[125] Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
[125] ---
[126] Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
[126] ---
[127] Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
[127] ---
[128] Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
[128] ---
[129] Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
[129] ---
[130] Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
[130] ---
[131] Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
[131] ---
[132] Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
[132] ---
[133] Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
[133] ---
[134] Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
[134] ---
[135] Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
[135] ---
[136] Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
[136] ---
[137] Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
[137] ---
[138] Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
[138] ---
[139] Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
[139] ---
[140] Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
[140] ---
[141] Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
[141] ---
[142] Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
[142] ---
[143] Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
[143] ---
[144] Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
[144] ---
[145] Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
[145] ---
[146] Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
[146] ---
[147] Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.
[147] ---
[148] Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
[148] ---
[149] Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
[149] ---
[150] Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan.
[150] ---
[151] Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.
[151] ---
[152] Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
[152] ---
[153] Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
[153] ---
[154] Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
[154] ---
[155] Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
[155] ---
[156] Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
[156] ---
[157] Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
[157] ---
[158] Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
[158] ---
[159] Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
[159] ---
[160] Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
[160] ---
[161] Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
[161] ---
[162] Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
[162] ---
[163] Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
[163] ---
[164] Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
[164] ---
[165] Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
[165] ---
[166] Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
[166] ---
[167] Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,
[167] ---
[168] Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
[168] ---
[169] Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
[169] ---
[170] Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
[170] ---
[171] Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
[171] ---
[172] Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
[172] ---
[173] Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
[173] ---
[174] Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
[174] ---
[175] Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
[175] ---
[176] Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
[176] ---