[1]  Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.

[1]  ---

[2]  Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.

[2]  ---

[3]  Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.

[3]  ---

[4]  Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.

[4]  ---

[5]  Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.

[5]  ---

[6]  Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.

[6]  ---

[7]  Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.

[7]  ---

[8]  Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.

[8]  ---

[9]  Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.

[9]  ---

[10]  Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:

[10]  ---

[11]  Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.

[11]  ---

[12]  Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?

[12]  ---

[13]  Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

[13]  ---

[14]  Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.

[14]  ---

[15]  Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.

[15]  ---

[16]  Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.

[16]  ---

[17]  Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

[17]  ---

[18]  Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;

[18]  ---

[19]  Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.

[19]  ---