[1] Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
[1] ---
[2] Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
[2] ---
[3] Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
[3] ---
[4] Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
[4] ---
[5] Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
[5] ---
[6] Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
[6] ---
[7] Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
[7] ---
[8] Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
[8] ---
[9] Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
[9] ---
[10] Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
[10] ---
[11] Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
[11] ---
[12] Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
[12] ---
[13] Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas.
[13] ---
[14] Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak.
[14] ---
[15] Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
[15] ---
[16] Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
[16] ---
[17] Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;
[17] ---
[18] Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon.