[1]  Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.

[1]  ---

[2]  Kayo'y gumising, salterio at alpa: ako ma'y gigising na maaga.

[2]  ---

[3]  Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.

[3]  ---

[4]  Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap.

[4]  ---

[5]  Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.

[5]  ---

[6]  Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.

[6]  ---

[7]  Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.

[7]  ---

[8]  Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro.

[8]  ---

[9]  Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak: sa Filistia ay hihiyaw ako.

[9]  ---

[10]  Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?

[10]  ---

[11]  Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?

[11]  ---

[12]  Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.

[12]  ---

[13]  Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.

[13]  ---