[1] Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
[1] ---
[2] Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi.
[2] ---
[3] Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa.
[3] ---
[4] Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
[4] ---
[5] Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim.
[5] ---
[6] Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang.
[6] ---
[7] Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man:
[7] ---
[8] Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
[8] ---
[9] Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
[9] ---
[10] Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: ako'y napahiran ng bagong langis.
[10] ---
[11] Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
[11] ---
[12] Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano.
[12] ---
[13] Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
[13] ---
[14] Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
[14] ---
[15] Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.