[1] Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
[1] ---
[2] Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid.
[2] ---
[3] Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)
[3] ---
[4] Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
[4] ---
[5] Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo.
[5] ---
[6] Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.
[6] ---
[7] Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
[7] ---
[8] Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
[8] ---
[9] Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
[9] ---
[10] Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.