[1]  Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing.

[1]  ---

[2]  Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;

[2]  ---

[3]  Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.

[3]  ---

[4]  Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.

[4]  ---

[5]  Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.

[5]  ---

[6]  At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.

[6]  ---

[7]  Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)

[7]  ---

[8]  Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo.

[8]  ---

[9]  Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.

[9]  ---

[10]  Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.

[10]  ---

[11]  Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.

[11]  ---

[12]  Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya:

[12]  ---

[13]  Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.

[13]  ---

[14]  Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios.

[14]  ---

[15]  Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.

[15]  ---

[16]  Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.

[16]  ---

[17]  Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig.

[17]  ---

[18]  Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.

[18]  ---

[19]  Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila, siyang tumatahan ng una. (Selah)

[19]  ---

[20]  Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.

[20]  ---

[21]  Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak.

[21]  ---

[22]  Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.

[22]  ---

[23]  Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo.

[23]  ---