[1]  Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;

[1]  ---

[2]  Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;

[2]  ---

[3]  Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)

[3]  ---

[4]  Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo.

[4]  ---

[5]  Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.

[5]  ---

[6]  Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.

[6]  ---

[7]  Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.

[7]  ---

[8]  Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.

[8]  ---

[9]  Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

[9]  ---