Psalms - Chapter 129 Ch. 129 - Psalms

compare translations

[1]  Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,

[2]  Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.

[3]  Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.

[4]  Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.

[5]  Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.

[6]  Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:

[7]  Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.

[8]  Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.