Psalms - Chapter 113 Ch. 113 - Psalms

compare translations

[1]  Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.

[2]  Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man.

[3]  Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,

[4]  Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.

[5]  Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,

[6]  Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?

[7]  Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;

[8]  Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.

[9]  Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon.